Bakla lang/Obvious- Mukhang lalaki pero obvious na bakla. Minsan, naka-outfit na parang pambabae pero hindi todo. Malambot kumilos pero bihira mag-make-up. Todo na ang lip gloss at powder pangpa-fresh. Off camera, I belong to this category. Mind you, yung ibang category na babanggitin ko nadaanan ko na din. Pasok dito ang mga teacher niyong bakla, mga managers ng mga fast food chains at iba niyo pang nasasalubong na kahit hindi mukhang bakla, alam mong bakla. Kadalasang pumapatol ang mga tulad namin sa straight. Babala: May mga bakla lang na nagpapanggap na pamin.
Pamin/Discreet- aminado silang bakla pero damit lalaki at mukhang lalaki. Malalaman mo na lang na bakla pala sila kapag nagsalita na dahil may kabaklaan ang mga sinasabi. Madalas silang mag-gym para gumanda ang katawan. Malaking factor ang katawan sa mga pamin. Tambayan nila ang Bed sa Malate at Government sa Makati. Maliit ang mundo ng mga pamin sa Manila. Magkakakilala halos silang lahat at kadalasan pang nagri-rigodon ng mga jowa. Ayon sa mga anak-anakan kong mga pamin, mas malibog daw sila keysa sa amin dahil hindi nga sila, basta-basta nakakalandi in public. Frustration ng karamihan sa kanila ang pumatol sa straight, pero nahihirapan sila dahil mukha nga din silang lalaki. Try to meet them at http://www.guys4men.com/.
Pa-girl/Muherista/Transvestite- Mga baklang nakadamit babae at kadalasang mahaba ang buhok. Hilig din nilang mag-make-up para ma-enhance ang kanilang ganda. Karamihan (hindi lahat) ng pa-girl ay nandidiri sa mga pamin. Kaya tanging sa mga straight lamang sila pumapatol (sabagay, karamihan din sa pamin ay nandidiri sa mga pa-girl). Karamihan sa mga pa-girl ay sa CR na ng babae pumapasok. Sad but true na ang ibang pa-girl ay matigas ang features kaya mukhang lalaki pa din. Makikita ang mga pa-girls sa mga beauty parlor, comedy bars or sa mga TV networks bilang make-up artist or wardrobe assistant. Sa aking latest reseach, tumatanggap ang mga call center companies ng mga pa-girl. Take note, babae ang boses at pangalan nila ‘pag tumatanggap ng calls. Mabuhay ang call center industry! Maraming pa-girl ang sumasali sa mga gay beauty contest at nagpupunta ng Japan. Babala: Siguraduhing feminine ang features bago magpa-girl.
Beauconnera- Mga baklang sumasali sa mga gay beauty contest. Karamihan sa kanila ay pa-girl sa araw-araw nilang pamumuhay, pero minsan, may mga pamin na gustong i-experience ang pagiging beauty queen.
Operada/Transexual- Mga baklang nagpa-opera na at pinatanggal ang kanilang male s*x organ para maging ganap na babae. Inuuna nilang ipalagay ang silicone boobs nila bago magpalagay ng pekeng puk*. Pero ngayon daw, may mga promo ang mga doctor sa Thailand na ‘pag nagpaputol ka, libre ang silicone boobs. Ka tai ang tawag sa kanila sa Thailand at may sarili silang CR. Karamihan sa kanila ay nag-Japan na. Ngunit dahil mahigpit ngayon ang Japan sa mga Pinoy entertainers, ang iba sa kanila ay nagpunta sa Thailand, Amerika, Canada at Europe. Doon sila namumuhay gamit ang ibang pangalan. May ibang naiwan dito sa Manila at nagpe-perform sa mga drag shows. Kadalasan, ang mga pa-girl ay nagiging beauconnera ‘tapos nagiging operada unless sila ay mag-born again at bumabalik sa pagiging lalaki pero nagmumukha na silang tomboy. Babala: Katawa-tawa ang operadang hard ang features.
Closeta- Mga baklang hindi umaamin na sila ay bakla. Kahit ibitin patiwarik, hindi sila aamin. Karamihan sa closeta ay palihim ang sex life. Ang iba sa kanila ay nagpupunta pa ng ibang bansa para makahada. Tanging sila, jowa nila or bestfriend nila ang nakakaalam na sila ay bakla. Karamihan sa aking mga baklang kaibigang Chinese ay closeta. Takot silang itakwil ng pamilya or tanggalan ng mana. Karamihan sa closeta ay nag-aasawa ng babae at nagkakaanak pa dahil takot silang tumanda mag-isa. Ang mga artista, politiko at paring bakla ay maituturing na closeta. Huwag natin silang i-judge or kamuhian dahil karamihan sa kanila ay malungkot ang buhay. ‘Yon na.
Bi/Bisexual- Hindi ito klase ng bakla. It is a sexual preference. May mga bakla na bi tulad ni Arnel Ignacio, Tita Swarding, Jun Encarnacion (sumalangit nawa) at Ogie Diaz. Hindi porke pumatol ang isang bakla sa babae ay lalaki na siya. May mga babae at lalaki din na bi tulad ng mga call boys at hostess. Karamihan ng mga closeta ay bi. May ibang bansa na ang bi ay tinuturing na bakla. Sa Pilipinas, hindi dapat. Hindi porke pumatol ang isang lalaki sa bakla ay bakla na din siya. Economy ang factor doon. Complicated at debatable ang issue na ito so balik na tayo sa kabaklaan.
Batukling- mga batang bakla. Bata pa lang pero kumekembot na at mahinhin. Mas gusto niya makipaglaro sa mga babae keysa sa mga boys. Karamihan sa bakla ay dumaan sa ganitong phase. Naiba na lang ng lumaki na at namulat na sa kung anong kaisipan.
Little sister/Shobe- Mga baklang kaibigan, na mas bata sa Ate.
Ate/Ateng/Atchi- mas matandang bakla na nangangalaga sa mga little sister. Isa akong Ate dahil mahilig akong makipag-kaibigan sa mga batang bakla. Ang mga Ate ay may malaking responsibilidad sa kanyang mga little sister. Babala: Huwag maging Ate kung hindi ka responsableng bakla.
Mama/Mother- Pinakamataas na level ng mga bakla. Ang mga Mama ay may ginintuang puso sa kapwa niya bakla (bata man o matanda). Sila ay mga ina ng laging saklolo, mapagpatawad at matulungin. Si Ricky Reyes ang Ultimate Mama ng Pilipinas. Sayang, closet ang isang bakla na nagmamay-ari ng isang malaking kumpanya, pero kung nagkataon na “out” siya, kakabugin niya si Mama Ricky bilang Mama ng Bayan. Karamihan sa mga Mama ay choreographer tulad ni Douglas Nieras, may-ari ng beauty parlor tulad ng kaibigan kong si Boyet Marinas, may-ari ng mga Comedy bar tulad ni Allan K at Andrew de Real. ‘Pag nagkataon, papunta ako sa Mama level and it will be a great honor. Babala: Ang mga Mama ay kadalasang niloloko ng mga tinutulungan. Mag-ingat.
Bugarette- mga baklang bugaw. Masakit ngunit totoo. Karamihan ng bugaw sa Pilipinas ay mga bakla. Sabi nga ng karamihan, “Walang baklang walang trabaho.” At least, hindi sila magnanakaw or holdaper.
Shabukla- mga baklang pusher. Mas masakit ngunit totoo. May ilang bakla ang gumagamit ng kanilang chika prowess para magtulak ng ipinagbabawal na gamot.
-----------
bakla is bakla.. i love them :)
source: http://www.pep.ph/blogs/korekkajohn/?cat=3&paged=2
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment